Online Bookstore that specializes in selling rare titles

Latest

Tuesday, February 1, 2022

Mga Paraan para Masugpo ang mga Nakatagong Allergy sa Bahay

 

Ano nga ba ang Allergens? Malimit natin itong naririnig sa ating mga pamilya sa tahanan o kaibigan. Ang Allergens ay isang substance na gumagawa ng abnormal at malakas na Immune Response kung saan nilalabanan ng ating Immune System ang isang pinaghihinalaang banta o makakapinsala sa ating katawan. Ang mga ganitong reaksiyon ay tinatawag na Allergy.  


May Sampung Paraan upang mapigilan ang Allergy

1.Iwasan ang paninigarilyo sa loob ng bahay o pag gamit ng dahon pang siga, kung hindi naman natin maiiwasan, maari tayong gumamit ng panyo o face mask pantakip sa ilong upang hindi natin maamoy ang usok.

2.  Ilayo ang mga alagang hayop sa inyong kwarto upang hindi ninyo masinghot ang bahalibo nila.

3. Tanggalin ang inyong suot na mga sapatos sa labas palang ng bahay upang maiwasan makapagdala ng allergens sa loob ng tahanan.

4. Limitahan ang pagpapabango sa inyong tahanan gamit ang mga scented spray,  scented candle, o oil.

5. Kapag bibili ng mga muwebles, iwasan ang mga materyales na tela at maghanap ng madaling linisin na gamit.

6. Labhan ang mga kurtina at kobre ng kama kada 3 araw o kaya'y sa loob ng 1 linggo upang mabawasan ang allergens na sumasama sa hangin.

7. Mahalaga ang antas ng humidity o moisture, ang labis na humidity ay nagkakadagdag ng amag at alikabok.

8. Linisin ang filter ng aircon o vacuum bago ito gamitin.

9. Palitan ang carpet ng mga tiles, kahoy o kaya ay linoleum na mas madaling linisin.

10. Gumamit ng exhaust fan sa kusina upang mabawasan ang usok at humidity sa pagluluto.

No comments:

Post a Comment