Online Bookstore that specializes in selling rare titles

Latest

Monday, January 31, 2022

Mabisang Paraan Upang Makatulog ng Mahimbing sa Gabi


Mabisang Paraan Upang Makatulog ng Mahimbing sa Gabi at Mapalakas ang Pangangatawan


Ang pagkakaroon ng maayos na pagtulog ay kinakailangan para sa ating maayos na kalusugan. Ating tatalakayin sa artikulo ngayon ang mga paraan upang magkaron ng mahimbing at payapang pagtulog na magdudulot ng maayos na buhay. Ang maayos na pagtulog ay maaring magkaroon ng magandang resulta lalo na sa konsentrasyon sa kalooban, pagkontrol sa timbang, at marami pang iba. Magsaliksik para sa epektibong pamamaraan upang magkaron ng matiwasay o maayos na pagtulog sa gabi at gumising ng may magandang ngiti at panibagong lakas. 

 


 

1. Bumili ng maayos na Higaan

Sa higaan natin inalaan ang ating walong oras na pamamahinga kada gabi, at kailangan natin ng maayos na higaan upang suportahan ang ating likod, bewang at leeg. Kapag ikaw ay humiga o natulog sa isang higaan na hindi ka kumportable maaring maapektuhan nito ang iyong pagtulog. Ang paghiga sa hindi maayos na kama o higaan ay magdudulot ng pananakit ng kasu-kasuan sa inyong pag gising  aa umaga. Upang makatulog ng maayos maari tayong bumili ng maayos na kutson. Maraming klase ngayon ng kutson, meron kung tawagin natin “water bed”, o kutson na malambot. Maaaring may kamahalan pero nakakasigurado tayo sa kalidad at sa matiwasay na pagtulog. Upang makatiyak sa kalidad ng kutson na ating bibilhin maaari natin tignan o suriin ng maigi bago natin  ito bilhin. Bukod dito ang “Memory Foam” ay pwedeng umayon sa inyong katawan upang mabigyan ng buong suporta ang inyong paghiga.

 

2. Gumawa ng mga gawain bago ang oras ng inyong Pagtulog

Ang pagkakarong ng Gawain sa oras ng pagtulog ay makakatulong para sa isang maayos na pagtulog. Nagbibigay ito ng senyales sa ating utak upang magpahinga na tayo. Maaari tayong maligo ng mabilisan ng maligamgam na tubig sa gabi, gawing madilim ang ating silid tulugan, at kung maari umiwas sa panonood ng telebisyon bago matulog. Kung gusto mo ng maayos na pagtulog pwede tayong magsindi ng Diffuser na may Lavender Oil upang humalo sa hangin. Ang Lavender Oil ay mayroon katangian na nagpapakalma sa ating isip upang makatulong sa ating pagtulog ng mahimbing

 



3. Umiwas sa mga inuming may halong caffeine o inuming nakakalasing

Umiwas sa paginom ng kape, tsaa, soda or kahit kumain ng tsokolate bago matulog sapagkat lahat ng ito ay nagtataglay ng Caffeine na nakakapagsigla sa ating katawan. Bagamat ang paginom o pagkain na isang produktong may halong Caffeine ay isang mabisang paraan upang magkaron ng lakas o maging gising, ngunit ito ay magdudulot ng Insomia o nahihirapan sa pagtulog o madaling magising kapag natutulog at hirap nang bumalik sa pagkakahimbing. Iminumungkahi na tigilan o bawasan ang paginom ng mga inumin na may kahalong Caffeine, anim na oras bago matulog. Gayundin, ang paginom ng mga nakakalasing na inumin o alak. 



4. Makinig ng mga  musikang nakakarelaks

Iminumungkahi din ang pakikinig ng Musika bago matulog. Ayon sa pag aaral ang pakikinig sa mga Musika ay isang paraan upang marelaks ang ating mga pagod na katawan, nagpapababa ng ating presyon ng dugo, at sakit ng ulo. Ang mabisang oras sa pakikinig ng Musika ay tatlumpung minuto bago matulog upang umepekto sa ating katawan. Ang isa pang positibong epekto nito ay makakatulog ka ng mabilis sapagkat ang ating utak o katawan ay sumasangayon o nakikibahagi sa Musika. Maari kang magpatugtog sa saliw ng mga kuwedras o kahit ang pakikinig sa patak ng ulan. Magandang makinig lang sa palatugtugin na walang halong liriko o salita. At ating alalahanin na ang pakikinig sa mga awiting intrumentong pinatutugtog ay wag gaanong kalakas upang hindi maapektuhan ang inyong pagtulog.  



5. Mag ehersisyo sa umaga at pahinga sa gabi


Ang ehersisyo ay maganda sa atin kalusugan, ngunit ang pag-eehersisyo sa gabi ay makakaapekto sa inyong pagtulog. Kung gusto nating mag-ehersisyo at maging gising, gawin natin ito sa umaga, sapagkat kapag atin itong gagawin sa pagsapit ng alas otso ng gabi mahihirapan ang ating katawan sa pagtulog. Sa kabilang banda ang ehersisyo katulad ng “yoga” bago matulog ay isang mabisang paraan din upang makatulong marelaks at maging handa ang ating isip at katawan sa pagtulog.

 

6. Iwasan ang pagkain bago matulog

Ang huling hapunan ay maaring gawin dalawang oras bago ang iyong nakaugaliang oras ng pagtulog. Ang proseso ng pagtulog ay nagsisimula makalipas ang dalawang oras, pero nahihirapan ang ating katawan na tunawin ang lahat ng pagkain na ating kinain. Umiwas sa maramihang pagkain bago matulog sa ganitong proseso nahihirapan ang ating katawan na tunawin ang pagkain na maaring magdulot ng pananakit ng tiyan o stomach spasm o impacho. Kumain lang na kakaunti o sapat kung hindi talaga natin kayang pigilan, katulad ng biskwit na may kasamang mainit na gatas.



7. Gawing madilim at tahimik na silid tulugan

Ang pag gamit ng tamang ilaw ay pinaka importante upang makagawa tayo ng maayos na tulog. Maaaring gumamit ng Dim Light o Malamlam na ilaw o kaya’y patayin ang nakasinding ilaw sa silid. Gumamit ng sleep mask upang makakuha ng maayos na pagtulog. Kung ang iyong silid naman ay sobrang liwanag hindi ka makakatulog na maayos, maari kang maglagay ng madilim na kurtina sa iyong bintana upang matakpan ang sikat ng araw o ang liwanag na galing sa labas.


Kung naghahanap ka ng mabisang paraang sa iyong pagtulog, sundin mo lang ang mga payo na aking binanggit. Ang pagkakaron ng maayos na pagtulog ay sobrang mahalaga sapagkat maaari nitong maapektuhan ang iyong sistemang immuno at ang iyong Gawain sa pang araw-araw. Kung sa iyong paggising ay alam mong hindi maayos o naging maganda ang iyong araw, eto na ang panahon upang may baguhin sa iyong gawain bago matulog na makakatulong upang magkaron ng maayos at matiwasay na pagtulog.

No comments:

Post a Comment